Wala talaga akong balak magsulat ngayon kahit pa higit isang linggo nakong di nagbubukas ng bloga. But I just need to write this down.
Monday. Unang ang araw ng finals para sa first semester ng aking pagiging second year college student ay natapos na.- Aray!- May sitpnek pa rin ako. Eh bakit nga naman hindi? Parusa kaya ung mga test kanina! Simulan mo sa finance, akala ko madali lang, kaso nang makita ko ung last part, "potek ano toh?!", di ko maintindihan kung papanung gustong gawin! Sabi sa question number ten ng test1, construct a table, pero sa answer sheet may mga blangkong numbers, at ang mga un ay napapabilang sa Test 2! Eh pano na ung number ten? Basta, ginawan ko na lang ng paraan, kung ano man un, wala ako sa kundisyon para alalahanin. Tapos ung namang test sa history, pambihira, cno ang makakatapos nun sa loob ng isang oras?? Eh basahin nga lang ung mga tanong ng hindi cla cnasagutan mukang aabot na ng kalahating oras eh! Pwera pa dun ung mga sandaling inatake ako ng kadulingan at pagluluksa sa mga tanong na ibinigay! Wala pakong ginawa kundi buklatin back and forth ang papel kasi matching type, eh ung mga choices nasa kabilang page! Ilang segundo rin ang natunaw sa harap ko. Malapit nang magtime nang marealize ko na kalahati pa ng papel ko ay blangko! Diko pa nasasagutan ung pahabol na syory quiz sa likod!- ARAY, naku naman oh! namali ng galaw ang leeg ko.- Kanina ko lang ulit naramdaman ung pakiramdam na ganun, ung parang gusto kong maiyak kaso ang lumabas ay tawa! "hu, hu..-ahahahaha!" Now I know what it means by "it's driving me crazy!" Kasi diba ganun ung mga baliw? Sila ung mga sa sobrang bigat na ng problema, matapos nilang pigain ang lahat ng luha nila at isinga lahat ng sipon, ay bigla na lang magtatatawa. At pagkatapos ay mababansagan na silang "nasiraan ng bait" o "may topak" o "mental" o "OT" o kung ano pa man. Naiintindihan ko kayo kahit papano, o baliw. Eh nakakabaliw nga naman talaga noh!
The end of the weekdays is already my departure. Last weekend ko na pala before my trip ung nagdaang weekend. To be honest, I'm not really excited. I feel like something is holding my eagerness to go on another trip overseas. Just the thought of it, parang homesick na agad ako- well I am home right now, am I? Baliw na talaga ako!- Siguro kabado lang ako sa kung ano man ang man ang pwedeng mangyari at maranasan ko dun. Andami kong naiicp na negative stuff pero ayoko nang bigyan pa ng pansin. Plus, it's my first time to travel abroad na di kasama ang family ko. It's me, a friend, some new friends, people whom I hope would be my friends and two adults I hardly know.- ay adult na nga rin pala ang karamihan samin, pati ako!- anyway, you get the point! Sana madali akong makakapg-computer dun, bahagi na ng mga pangangailangan ko yan! I'm gonna miss my friends na maiiwan ko for half a month. I know I will. Parang namimiss ko na nga cla ngayon pa lang na iniicp ko eh, makikita ko pa naman cla bukas! Hay nako john, nababaliw ka na talaga, matulog ka na nga! - ARAY! potek ayan na naman. Daig pa nito ang bangungot pag pinabayaan ko! Magpapahid muna akong omega pain killer kung gusto kong makatulog.
Posted at 09:46 pm by
hotchillies24