It is over. Today concludes the first semester. Hay, ewan ko ba, when I try to look back, it's as if what just happened ay isa nang school year. So many new stories to share, so many new memories to laugh at in the future. Namomroblema nga raw si meng, wala na kasi siyang gagawin. I understand her, really. It's just like the law of inertia, pushing the OFF button will not make the blades of an electric fan to suddenly stop spinning. When your arms are used to moving, writing and typing; when your mind is used to planning and thinking deep; and when your eyes are used to staring at mountains of readings and notes; a sudden stop in all of these will not easily sink in your system. Deep inside, there's a force wanting to mobilize you, but you don't know where to apply this force. The burden that you've been feeling ever since still continues to haunt you just before you realize- ay, wala na palang gagawin! dapat na pala akong magrelax!- Sabi ko na lang: it's time for bed! oo, bedtime na!
May konting kirot pa rin ang stipnek ko, but I can manage. nakalimutan ko na ngang may stipnek pala ako eh!
Excitement, excitement, nasan ka na?! Malapit na akong umalis, dalawang tulog na lang! Kaso bat ganun? Parang tamad na tamad talaga ako! I haven't even started packing yet! Di pako nakaka-alis. inaabangan ko na agad ang Oct 31, ang araw ng uwi ko. Di lang talaga ako sanay nang walang pamilya- walang nanay na parang girl scout, laging handa! walang tatay na spokesperson kapag nadedehado na, at walang bunsong kapatid na mauuto. Matagal akong mawawalay sa mga kaibigan ko sa skul. Oo, para sakin matagal un. Masasabi ko kasi na ngayong semester ay mas naging close kami. Oh well, this is all part of life. You have your wants, and you have your duties. There are things that we are really obliged or perhaps destined to do. Besides, mag-iipon nga pala ako ng mga kuwento at alaala para ishare sa mga tao paguwi ko.
-naku! sina joe pa pala at si mark, ang aking mga legendary friends. malay ko kung alam niyong may blog ako, pero feeling ko alam ninyo, kaya: mga mehn, mukang matagal tayong di makakahagilapan! haha, sori may trip ako eh.. kayo na lang muna ang magbasketball jan, ipagdiwang ninyo ang pagkachampion nyo! hahaha!!!
Posted at 10:39 pm by
hotchillies24