B r e a k i n g L o o s e








Rebirth, Redeath.








mga kapatid sa
pananampalataya

   

<< November 2007 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03
04 05 06 07 08 09 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30


I seek to surpass mediocrity

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:






Nov 30, 2007
mga late, so high school at one more chance!

Holiday nga pala, ibig sabihin, walang car ban- isang detalyeng nalimutan ko nang umalis ako kanina para sa get together namin ng reb2k5.

   Nagmamadali akong umalis ng bahay. Usapan kasi, alas-otso ang kita-kita, eh 7:30 nakong nagising. Kaya nagtxt na lang ako kay Marianne at sinabing male-late ako nang dating. Dumating ako sa Mcdo ng 9:00. Akala ko naman, nagtatawanan na sila at nag-iingay pagdating ko, kaya lang nakita ko si Marianne nang nag-iisa at mukang batong bato.

ako: psst!

marianne: ui dude!

(umupo ako sa tapat ni marianne)
ako: pambihira, nagmadali pako! eh isa pa pala ako sa maaaga!

marianne: hay nako, usapan ang late ay manlilibre, ilibre niyo akong lahat!

ako: hehe... sa sitwasyon ngayon, tingin ko hindi ako considered na late. hahaha!

marianne: ako nga rin eh, akala ko late nako, tapos bigla kayong nagtext- kayo ni mark na male-late, si audrey at annie parating na raw, ung iba ewan ko, si nathan naliligo pa lang!

ako: ano bang gagawin ngayon?

marianne: di ko rin alam e, bahala na.

ako: nood tayong enchanted!

marianne: dapat noon mo pa sinabi, syempre di naman lahat may dalang pera noh.

nagke-kwentuhan kami ni marianne nang biglang may dumating na isang pamilyar na mukha at pamilyar na popstar fashion statement: may vest na nakapatong sa isang manipis at mejo makinang na shirt, na mukang pinagtagpi-tagping keychain- si mark.

marianne: ui dude. wassap!

mark: o, nasan na ung iba?? pambihira, ako na nga ung pinakamalayo eh, galing pa kaya akong taft. si audrey nasan na? anjan lang bahay nun ah.

marianne: uuuuui, hinahanap- hanap pa rin ah.

mark: sus naman, so high school na un noh! si bugs asan?

marianne: di ko nga natawagan eh

mark: dapat pinatawag ko dyan kay john oh.

ako: NYEK! babalik ka pa bang la salle? nood tayong enchanted!

mark: bahala na, kung walang kasama si chello, babalik akong la salle. grabe, nagdate kami tapos nakaubos ako ng 5000!

marianne at ako: WEH?! isang date lang?!

ako: kahit sa nagtatrabaho malaki na rin un ah!

mark: onga eh, kaya sobrang wala akong pera ngayon.

marianne: anu yang suot mo? armor? kabalyero ka ba?

ako: chainmail? wahahaha!

makalipas ang halos dalawang oras nang dumating si nathan, na wala pa ring pinagbago: porma, buhok, pananalita, ugali, lahat na, ganun pa rin.

nathan: ui, kanina pa kayo dito?

marianne: ilibre mo kami, late ka eh!

nathan: anung late? tatalo nga lang kayo diyan eh!

ako: nood tayong enchanted!

nathan: napanood ko na un eh, one more chance na lang!

ako: wag na un!

nathan: tara mark, one more chance!

mark: ayoko nga!

nathan: sige na, tayo lang naman eh, di naman natin isasama si audrey,

ako: un na nga ung point ni mark eh, kayong dalawa lang, tapos manonood kayo ng ONE MORE CHANCE, KAYONG DALAWA LANG... NI MARK!

nathan: potek, oo nga noh! hahaha! 

marianne: wahahahaha!!!!!

tulad ng dating gawi, nag-open forum kami. as usual, love life ang usapan. at si nathan ay di pa rin talaga nakakaranas ng lovelife. ilang minuto pa ay dumating na si jilian. sabi ni mark, natutukso na raw siya sa isang lalaki, un pala, ang ibig sabihin ni jilian ay tinutukso silang dalawa.

mark: ui, natutukso na yan!

jilian: weh, hindi kaya ganun un!

ako: oh, jilian, kamusta na?

jilian: aun, magkaklase na talaga kami ni kuya forever! napagkakamalan nga kaming magsyota kasi lagi kaming magkasama eh! di ba nila napapansin na magkamukha kami?! pambihira naman kasi, sarili kong kuya, blockmate ko for the rest of my college life! kaya pag tinatawag ko siya, talagang may emphasis: KOOYA.- ganun!

HAHAHA! nakakatuwa talagang makinig diyan kay jilian, ang cute cute nilang magkapatid, sobrang comedy! pati nga tatay nila cute din eh. haha... 

lumipas ang oras at dumating na si audrey at tila nagkakailangan na sila ni mark. dumating si annie na sobrang dalaga na unlike the little annie, the sister of mai, that we once knew. laking tuwa namin nang dumating si sina sandra at bugs. kala namin ay di na sila darating.

sa makatuwid ay maghapon lang kaming nakatambay sa mcdo. well, just bringing back the good old days. pinakita pa sa amin ni sandra ang napichuran niyang multo sa skul nila isang gabi. hindi lang basta orb, may korte talagang tao na nakalutang at malabo ung details na grayish- kinilabutan kaming lahat. yaya ako nang yaya manood ng enchanted pero dedma lang silang lahat! nagpaka- so high school na lang kami dun at nag-ingay at hiyang hiya na nga ako di tulad ng dati na walang pakundangan kahit magtatatalak kami dun. nireveal namin ang mga sikretong hindi naamin noon, mga sama ng loob na hindi nasettle at iba pang mga bagay at issue that only mattered when we were in high school. ang saya rin palang alalahanin- ung mga katangahan, mga kababawan, mga away at di pagpapansinan na ngayon ay pinagtawanan na lang namin. lalo kong narealize na marami na rin akong nagawa sa aking teenage years at wala akong nasayang.

matapos silang magsawa sa pangungulit kung si mark at audrey ba ay may "one more chance", pilit nilang binabalik ang issue samin ni bugs-

nathan: bugs kayo ni john, one more chance na dapat kayo!

bugs: anu k' bah, wala na un noh!

ako: onga, antagal na nun, we were in high school back then.

nathan: pero di nga, kung may pagkakataon, ano, one more chance?

ako: that's not the way it goes anymore. the reasoning is deeper. hindi basis ung whether or not may chance pa o wala. (feeling ko hindi nila ako gets) 

mark: tamang-tama, pareho kayong single, pareho kayong nanggaling sa napakaikling relationship, pareho kayong nagkagusto sa isa't isa, di nga lang pareho ng timing, kaya one more chance na!

bugs: hoy, wag niyo ngang ilipat samin ung usapan! kayo ni audrey ang pinaguuspan eh.

mark: eh tapos na naman kami eh. eh kayo, tamang-tama talaga, wala pang nangyayari, kaya one more chance na!

ako: hay naku, manood na nga lang kasi tayo ng enchanted!

nathan: hindi, one more chance, once more chance na kayo ni bugs!

bugs at ako: wala na un!

bugs: friends na kami niyan ni john noh!

ako: onga, bati na rin kami.

(nag-akbayan kami ni bugs)

nathan at mark: yeeeeeeeheeeeeeee! kaya nga one more chance na eh!

tumawa na lang kami ni bugs. hay naku, so high school talaga. kahit pa sabihin mong lahat ay nagmature na, pag magkakasama kami, utak high school pa rin. natutuwa naman ako at maayos na kami ni bugs, wala nang bahid ng pagka-ilang whatsoever, at nakikita ko naman na kahit masama pa rin ang loob niya sa pagtanda, nagmature na rin siya.

matapos namin mamaalam sa isa't isa, natuwa ako at nalimutan kong magdala ng kotse, dahil, nang pumunta ako sa sm north para magpagawa ng salamin, sobrang trafik at tiyak na gagabihin ako kung may dala akong kotse!

Posted at 09:24 pm by hotchillies24

 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




Previous Entry Home Next Entry