Hmmm... sabi sa feng sui, magiging swerte raw ang mga dragon sa 2008. Aba dapat lang noh, kami kaya ang mga tinaguriang malas noong nagdaang taon. Well, para sakin, wala naman akong naranasang ganun kalaking kamalasan. Kung tutuusin, it was quite colorful, really. I had the chance to go to Scotland and fell in love with Edinburgh- now I'm working on their strong Scottish accent!.. and malas lang dun, I lost my specs, my most favorite pair of specs! In this year, I had a girlfriend.. ndi nga lang nagtagal, and that experience probably gave a scar on my face. Our class of CA1 grew closer together coz of the challenges we've faced and victories we've earned... andami nga lang nahugot sa aming mga bulsa. Nakita na ni Julio si Julia, kaya nga lang, malakas ang oposisyon. - o diba, mga minor negative things lang. And I believe that you don't have to be a dragon to relate to me.
Pag sinusunod mo ang tradisyon ng mga intsik, sobrang career mode ang bagong taon mo.
1. Magpuno ng bilog na bagay sa mesa. Pumitik pa nga kami ng mga bite size the quezo de bola sa hotel sa hongkong para pandagdag eh! haha. eh tinatapon lang naman nila dun ung mga tira eh.
2. Magsuot ng pula. o ayan, pantaas at pambaba pulang pula. take note, parehong claret merchandise, para terno db!
3. Magsuot ng bagong underwear. Ndi ko talaga ito gets.
4. Magsuot ng bagong tsinelas. ndi ko rin ito gets. at ndi na ako bumili ng bagong tsinelas, sabi ni mum, andami na mxado eh. sa chinese new year na lang daw.- nyek! edi ganun din!-
5. Magsabit ng mga sariwang ubas sa bintana at pintuan, palitan lamang ito sa susunod na bagong taon. Bakit kailangan grapes? mahal un ah! papaskun lang naman ung ng uod. ndi ba pwedeng fake grapes na lang? ung plastic, para reusable.
6. Magpagupit. Pampatanggal daw ito ng malas. Pano kung kalbo ako? anung papagupitan ko? kilay? kilikili? legs? atbp?
7. Maglagay ng maraming barya sa bulsa. Naku lagot, wala akong bulsa! magsusuot na lang ako ng money bag!
8. Maghagis ng barya pagpatak ng alas dose. Siguraduhin mong natatandaan mo ang mga landing spot ng mga baryang ito. wag mo itong pabayaang nakakalat lang sa buong taon. aba, pamasahe rin yan.
9. Magbilang ng pera. Sa dami ng ginastos ko ngayong pasko, magbibilang talaga ako ng pera para marealize kung ganu na ito ka-konti upang magkaroon ako ng determinasyon para naman magtipid!
10. Magpaputok. Xempre, mawawala ba naman yan?! hmm.. dito samin, mukang oo. ni ndi pa nga nangangamoy usok dito eh. buti pa ung mga nasakabilang street, ang gugulo na. sa street namin, mukang mas maingay pa pag may pasyon.
marami pa yan. xempre wala akong balak isipin lahat un noh. manonood pako ng fireworks eh.