 |
- Rebirth, Redeath.
-
mga kapatid sa
pananampalataya
I seek to surpass mediocrity
|
 |
 |
 |
 |
 |
 |
|
|
 |
 |
Dec 20, 2007
We close our eyes. We look for reality as if this one is not. The sensation of victory has never been so precious, so treasured- It's our lucky day! Climbing up is a dance on the clouds as we watch the stars play with beautiful eyes.
We wipe our sweat, with it goes away the burden everyday said. It is aurora that blankets us for comfort. We've seen the night in it's darkest form and we've experienced fear- all shapes, all at once. No journey has been more tiring.
We smile with sparkling eyes. How joyful it is to once again see our homes under the sun. The same sun that we've witness rising as we hit walls which from it we cannot run.
We sing our hearts out, music has been our guide. The note that each played is essential to complete this song. The path we took is melody and together, our work is harmony. Crescendo! We shake the world with our force. The cadence leaves them clamour for more.
We hug and kiss, these are manifestations of emotions being given away. What we feel is too much to contain, we need to exchange it with one another.
We gather under the same set of stars, away from the world. This is the night when light refuses to be leave the sky, for we see no darkness. We look up only to witness fireworks decorating what is already beautiful.
Then we say take care to one another, this is a phrase synonymous to I love you. We want all to remain all right and stay in good shape, there's a lot more challenges to come, more strings to keep our bond tighter.
We lie down and once again close our eyes, hoping for a dream to extend the happiness that we feel. We remember the headaches, the worries and tears along the way. Yet we look forward to our next challenge, for what makes this so great is the adventure filled with laughter, discoveries and photos for this memory worth keeping.
So with an eyebuged smile we end a chapter of this tale of adventures we've sailed and moments that defy even time.
Posted at 02:33 pm by hotchillies24
Permalink
Nov 30, 2007
mga late, so high school at one more chance!
Holiday nga pala, ibig sabihin, walang car ban- isang detalyeng nalimutan ko nang umalis ako kanina para sa get together namin ng reb2k5.
Nagmamadali akong umalis ng bahay. Usapan kasi, alas-otso ang kita-kita, eh 7:30 nakong nagising. Kaya nagtxt na lang ako kay Marianne at sinabing male-late ako nang dating. Dumating ako sa Mcdo ng 9:00. Akala ko naman, nagtatawanan na sila at nag-iingay pagdating ko, kaya lang nakita ko si Marianne nang nag-iisa at mukang batong bato.
ako: psst!
marianne: ui dude!
(umupo ako sa tapat ni marianne) ako: pambihira, nagmadali pako! eh isa pa pala ako sa maaaga!
marianne: hay nako, usapan ang late ay manlilibre, ilibre niyo akong lahat!
ako: hehe... sa sitwasyon ngayon, tingin ko hindi ako considered na late. hahaha!
marianne: ako nga rin eh, akala ko late nako, tapos bigla kayong nagtext- kayo ni mark na male-late, si audrey at annie parating na raw, ung iba ewan ko, si nathan naliligo pa lang!
ako: ano bang gagawin ngayon?
marianne: di ko rin alam e, bahala na.
ako: nood tayong enchanted!
marianne: dapat noon mo pa sinabi, syempre di naman lahat may dalang pera noh.
nagke-kwentuhan kami ni marianne nang biglang may dumating na isang pamilyar na mukha at pamilyar na popstar fashion statement: may vest na nakapatong sa isang manipis at mejo makinang na shirt, na mukang pinagtagpi-tagping keychain- si mark.
marianne: ui dude. wassap!
mark: o, nasan na ung iba?? pambihira, ako na nga ung pinakamalayo eh, galing pa kaya akong taft. si audrey nasan na? anjan lang bahay nun ah.
marianne: uuuuui, hinahanap- hanap pa rin ah.
mark: sus naman, so high school na un noh! si bugs asan?
marianne: di ko nga natawagan eh
mark: dapat pinatawag ko dyan kay john oh.
ako: NYEK! babalik ka pa bang la salle? nood tayong enchanted!
mark: bahala na, kung walang kasama si chello, babalik akong la salle. grabe, nagdate kami tapos nakaubos ako ng 5000!
marianne at ako: WEH?! isang date lang?!
ako: kahit sa nagtatrabaho malaki na rin un ah!
mark: onga eh, kaya sobrang wala akong pera ngayon.
marianne: anu yang suot mo? armor? kabalyero ka ba?
ako: chainmail? wahahaha!
makalipas ang halos dalawang oras nang dumating si nathan, na wala pa ring pinagbago: porma, buhok, pananalita, ugali, lahat na, ganun pa rin.
nathan: ui, kanina pa kayo dito?
marianne: ilibre mo kami, late ka eh!
nathan: anung late? tatalo nga lang kayo diyan eh!
ako: nood tayong enchanted!
nathan: napanood ko na un eh, one more chance na lang!
ako: wag na un!
nathan: tara mark, one more chance!
mark: ayoko nga!
nathan: sige na, tayo lang naman eh, di naman natin isasama si audrey,
ako: un na nga ung point ni mark eh, kayong dalawa lang, tapos manonood kayo ng ONE MORE CHANCE, KAYONG DALAWA LANG... NI MARK!
nathan: potek, oo nga noh! hahaha!
marianne: wahahahaha!!!!!
tulad ng dating gawi, nag-open forum kami. as usual, love life ang usapan. at si nathan ay di pa rin talaga nakakaranas ng lovelife. ilang minuto pa ay dumating na si jilian. sabi ni mark, natutukso na raw siya sa isang lalaki, un pala, ang ibig sabihin ni jilian ay tinutukso silang dalawa.
mark: ui, natutukso na yan!
jilian: weh, hindi kaya ganun un!
ako: oh, jilian, kamusta na?
jilian: aun, magkaklase na talaga kami ni kuya forever! napagkakamalan nga kaming magsyota kasi lagi kaming magkasama eh! di ba nila napapansin na magkamukha kami?! pambihira naman kasi, sarili kong kuya, blockmate ko for the rest of my college life! kaya pag tinatawag ko siya, talagang may emphasis: KOOYA.- ganun!
HAHAHA! nakakatuwa talagang makinig diyan kay jilian, ang cute cute nilang magkapatid, sobrang comedy! pati nga tatay nila cute din eh. haha...
lumipas ang oras at dumating na si audrey at tila nagkakailangan na sila ni mark. dumating si annie na sobrang dalaga na unlike the little annie, the sister of mai, that we once knew. laking tuwa namin nang dumating si sina sandra at bugs. kala namin ay di na sila darating.
sa makatuwid ay maghapon lang kaming nakatambay sa mcdo. well, just bringing back the good old days. pinakita pa sa amin ni sandra ang napichuran niyang multo sa skul nila isang gabi. hindi lang basta orb, may korte talagang tao na nakalutang at malabo ung details na grayish- kinilabutan kaming lahat. yaya ako nang yaya manood ng enchanted pero dedma lang silang lahat! nagpaka- so high school na lang kami dun at nag-ingay at hiyang hiya na nga ako di tulad ng dati na walang pakundangan kahit magtatatalak kami dun. nireveal namin ang mga sikretong hindi naamin noon, mga sama ng loob na hindi nasettle at iba pang mga bagay at issue that only mattered when we were in high school. ang saya rin palang alalahanin- ung mga katangahan, mga kababawan, mga away at di pagpapansinan na ngayon ay pinagtawanan na lang namin. lalo kong narealize na marami na rin akong nagawa sa aking teenage years at wala akong nasayang.
matapos silang magsawa sa pangungulit kung si mark at audrey ba ay may "one more chance", pilit nilang binabalik ang issue samin ni bugs-
nathan: bugs kayo ni john, one more chance na dapat kayo!
bugs: anu k' bah, wala na un noh!
ako: onga, antagal na nun, we were in high school back then.
nathan: pero di nga, kung may pagkakataon, ano, one more chance?
ako: that's not the way it goes anymore. the reasoning is deeper. hindi basis ung whether or not may chance pa o wala. (feeling ko hindi nila ako gets)
mark: tamang-tama, pareho kayong single, pareho kayong nanggaling sa napakaikling relationship, pareho kayong nagkagusto sa isa't isa, di nga lang pareho ng timing, kaya one more chance na!
bugs: hoy, wag niyo ngang ilipat samin ung usapan! kayo ni audrey ang pinaguuspan eh.
mark: eh tapos na naman kami eh. eh kayo, tamang-tama talaga, wala pang nangyayari, kaya one more chance na!
ako: hay naku, manood na nga lang kasi tayo ng enchanted!
nathan: hindi, one more chance, once more chance na kayo ni bugs!
bugs at ako: wala na un!
bugs: friends na kami niyan ni john noh!
ako: onga, bati na rin kami.
(nag-akbayan kami ni bugs)
nathan at mark: yeeeeeeeheeeeeeee! kaya nga one more chance na eh!
tumawa na lang kami ni bugs. hay naku, so high school talaga. kahit pa sabihin mong lahat ay nagmature na, pag magkakasama kami, utak high school pa rin. natutuwa naman ako at maayos na kami ni bugs, wala nang bahid ng pagka-ilang whatsoever, at nakikita ko naman na kahit masama pa rin ang loob niya sa pagtanda, nagmature na rin siya.
matapos namin mamaalam sa isa't isa, natuwa ako at nalimutan kong magdala ng kotse, dahil, nang pumunta ako sa sm north para magpagawa ng salamin, sobrang trafik at tiyak na gagabihin ako kung may dala akong kotse!
Posted at 09:24 pm by hotchillies24
Permalink
Nov 25, 2007
Sunday, the start of my week was not really the best day for me. nagkaroon ng ilang di pagkakaunawaan at minaliit ko ang tadhana- inakala kong walang trapik kanina. nasa commonwealth pa lang ako nang biglang nagtext si meAnn:
meann: john, san ka na? ako(kalahating sulyap sa telepono at sa daan): hehe, layo pako eh meann: ano hintayin pa kita? ako: kung pasok na, una ka na. (ang hirap magtext habang nagmamaneho! kids, dont try this at home)
Pambihira! Bakit pati q ave may kabagalan ang daloy ng trapiko?! di naman ganito nung mga nakaraang linggo ah! Maiintindian ko pa kung weekday eh! Trenta minutos mula nang magsimula ang klase tsaka lang ako nakarating ng uste, bente lang sana kung ndi dagdag patalo ung mga nakaposing sa rotonda na nagsisisigaw at nagpapapancn sa mga mmda. kumanta na lang sana sila, para astig!
ako: yes, sa wakas! nakarating din. kelangan ko na lang pumarada at mag- !@#$%&*!! ANO TOH?!?! WALANG PARKING!!! (kamot ulo) bakit andaming sasakyan?! wuts the gig??
nagtext ako kay meann,
ako: hala, ptapos na ba? meann: di pa. cge go lang. :D
muntik nakong magdesisyon na wag nang pumasok sa kabad3pan. eh panu ba naman, ung mga guard na dapat magturo sakin ng lugar na pagpaparadahan eh itinuro sakin ung exit sa dapitan! anung gusto nilang gawin ko?! pumarada sa gilid ng dapitan katabi ung mga naglalakihang bus na nagsisingitan sa napakakipot na daan?! mabuti na lang at may matinong gwardyang nagsabi sakin na pwede naman pala isingit ung kotse sa eskinita sa may tarc. edi un nakapark din! kaso xempre may kalayuan, so i ran, -well- jog patungong eng'g. at hayun na nga, at least nakahabol pa kahit papano.
maliban dito ay napakablangko na ng araw ko. ang aga kong nakauwi- demet, kung alam ko lang edi sana nagpahintay nako sa paggolf nila para naman pati ako nakapalo!
nakakamiss... *hmmm..*
may milagrong nangyari- dalawang beses akong umattend ng debate training! akalain mo nga naman oh! oh well, i must say, namiss ko rin ang debate crowd. and i actually missed debating! -oo, wag mo nang kusutin ang mga mata mo, totoong namiss ko un.- :D sana naman this week makapagdebate na talaga, so far i was just teaching the newbies the ropes around debating. andaming may potential, pag nailabas na nila ang kanilang mga natatagong talento, kailanganin pa kaya nila ako??
Posted at 10:35 pm by hotchillies24
Permalink
Nov 15, 2007
i am immobile, i am stunned, but really i am restless within. my muscles itch for motion, my brain wants to shout. i sit here talking about nothing, aware that there really is something. thoughts are mixed, emotions are confused. what is it that i want to say? what would scratch away the itch?
i ask and i ask and i get tired of asking, so ask no more. so there comes nothing. and i am left with this blank space to derive pleasure from staring at it.- some joy huh.-

-it's nice to stare at the blank space if you yourself, is in it and a precious friend to share it with. together you will be quiet, but never bored at all.
Posted at 09:14 pm by hotchillies24
Permalink
Nov 12, 2007
dot, dot, dot: inconsistency
you know it's to speak out in personal, given the minds and senses that wrap around us, well, just in case you got lost in the cyberworld and set shore on my blog-
nothing. that's how i am feeling. a flat line singing the dial tone.
or am i? maybe im just confused. maybe i am stuck between two emotions that i feel and should feel.
sorrow will only add the negative energy that is already present in this world. it is a poison, designed to kill your hopes of a fortunate future and miracles to take part.
you do not want me to experience sorrow, and i don't want you to experience pain. i shall do my best to be happy for you, always stare at the bright side. together we will laugh out just like what we're used to do, to the point that people will think we are crazy. we will laugh and drain our voices, laugh even if we can't laugh anymore, we are known for that.
but when situation demands it, i cannot promise that i won't feel sorrow and pain. for it is natural for someone who cares a lot to be subject to such. to feel no pain is to feel no love.
but forever i will smile, smile because it happened, smile because it's a talent that you dug out from in me, smile because i know you are happy. i shall carry your smile and share it to others.
you are one of my greatest friends. you know that. not everybody gets the chance to meet someone like you. you are a gift worth treasuring. Thank God for chances.
Posted at 08:29 pm by hotchillies24
Permalink
Nov 7, 2007
i want you to be happy for a long, long time. pero ano bang kaya kong gawin? i just a mere mortal. all i can do is hug you, kiss you, tell you that i love you. strenghen your hopes maybe, and pray for you. is it really that fast? will it not allow time to find a way to fight this wretched curse? must i just painfully laugh in anticipation?
how i wish i am someone gifted with special powers to lift your pain! i will share this to your beloved half and together we will fight the evil deep inside. how i wish i am more.
Posted at 09:22 pm by hotchillies24
Permalink
Nov 4, 2007
I am an angel with no powers.. i cannot perform miracles..
what good are these wings if they cannot take me to my designation?
I know one thing- a bigger tide is coming, these tears will flood its way along the land of care-a-lot. that's it, everything else is a question mark. what? when? is it within years? or within just a blink of an eye? i do not know. though i wish i know, i'm afraid to know. it is a lose-lose situation. it is a mystery, that of which is very dear to me.
i am afraid to ask, for i know that the one im asking is afraid of this tide as well. more afraid than me. a tear is about to drop right now, thank goodness i have a friend to distract this feeling every once in a while.
hugs and kisses are not enough, though these are the only actions i am capable of. i wish i can do something. the most powerful something to stop the coming of this tide. my ultimate weapon is prayer. i do hope God's will is also my will. for it is His will that will take place, not mine.
it's sad isn't it? when you know that there is something wrong but no one is capable of dealing with it. it's like everyone lost his legs to run and arms to crawl away. we just have to wait and maximize the all the joy that we can feel before we let ourselves drown in the flood of tears that's about to come.
Posted at 08:49 pm by hotchillies24
Permalink
Oct 22, 2007
SA WAKAAAS!!!!! nakapagcomputer din! higit isang linggo rin akong hindi nakakita ng monitor at nakahawak ng keyboard. kaso lang ang bagal ng pc nato. puro intsik pa ung sulat. gudlak na lang, kaya naman kapain!
andami ko nang bagong close friends. mas naging close kami ni tart. SUPER is now a prefix that we use everyday. basta maraming dapat ikwento, maraming picture na dapat iedit at i-upload, marami ring bagong chinese friends. at dahil jan wala akong balak ikwento lahat ng nangyari. at least not for now. still have some sessions in half an hour... nakakamiss na lahat ng tao! sana makahanap ako ng pasalubong na kasya sa maleta! i must master packing the suitcase to its double capacity!
Posted at 03:00 pm by hotchillies24
Permalink
Oct 10, 2007
It is over. Today concludes the first semester. Hay, ewan ko ba, when I try to look back, it's as if what just happened ay isa nang school year. So many new stories to share, so many new memories to laugh at in the future. Namomroblema nga raw si meng, wala na kasi siyang gagawin. I understand her, really. It's just like the law of inertia, pushing the OFF button will not make the blades of an electric fan to suddenly stop spinning. When your arms are used to moving, writing and typing; when your mind is used to planning and thinking deep; and when your eyes are used to staring at mountains of readings and notes; a sudden stop in all of these will not easily sink in your system. Deep inside, there's a force wanting to mobilize you, but you don't know where to apply this force. The burden that you've been feeling ever since still continues to haunt you just before you realize- ay, wala na palang gagawin! dapat na pala akong magrelax!- Sabi ko na lang: it's time for bed! oo, bedtime na!
May konting kirot pa rin ang stipnek ko, but I can manage. nakalimutan ko na ngang may stipnek pala ako eh!
Excitement, excitement, nasan ka na?! Malapit na akong umalis, dalawang tulog na lang! Kaso bat ganun? Parang tamad na tamad talaga ako! I haven't even started packing yet! Di pako nakaka-alis. inaabangan ko na agad ang Oct 31, ang araw ng uwi ko. Di lang talaga ako sanay nang walang pamilya- walang nanay na parang girl scout, laging handa! walang tatay na spokesperson kapag nadedehado na, at walang bunsong kapatid na mauuto. Matagal akong mawawalay sa mga kaibigan ko sa skul. Oo, para sakin matagal un. Masasabi ko kasi na ngayong semester ay mas naging close kami. Oh well, this is all part of life. You have your wants, and you have your duties. There are things that we are really obliged or perhaps destined to do. Besides, mag-iipon nga pala ako ng mga kuwento at alaala para ishare sa mga tao paguwi ko.
-naku! sina joe pa pala at si mark, ang aking mga legendary friends. malay ko kung alam niyong may blog ako, pero feeling ko alam ninyo, kaya: mga mehn, mukang matagal tayong di makakahagilapan! haha, sori may trip ako eh.. kayo na lang muna ang magbasketball jan, ipagdiwang ninyo ang pagkachampion nyo! hahaha!!!
Posted at 10:39 pm by hotchillies24
Permalink
Si Tep at si Angto: Ang Pagtatagpo
Meron akong kaibigan. Isa siyang dwnede at ang pangalan niya ay Tep. Marami siyang kuwento tungkol sa kanyang mga pakikipagsapalaran. Isa na rito ay noong una niyang makilala ang kanyang matalik na kaibigang si Angto.
Isang gabi, tuwang-tuwa si Tep. Meron kasi siyang textmate, at makikipag-eyeball na siya noong gabing iyon. “Ano kayang itsura ng ka-text ko?” ang tanong niya sa kanyang sarili, “Excited nako, sana hot siya!”
Napagkasunduan nilang magkita sa Stardust sa Quezon Ave. Maagang dumating si Tep, hindi na siya kumain ng tanghalian upang may pambili pa siya ng load. Tinipid din niya ang pera niya para mailibre niya ang kanyang katagpuan. Tumayo siya sa labas ng nasabing gusali. Tulad ng nakasanayan niya, buong lakas na nagtext si Tep sa kanyang katagpuan: Hir n me. Sn n u? agad na may sumagot, Lapit na me. Nahahappy aq, mgkikita n rn us!
Nakakapagod din palang maghintay, sabi ni Tep sa kanyang sarili matapos niyang ilagan ang mga paang muntik nang makatapak sa kanya. Maya’t-maya’y umiilag siya sa mga nagtatakbuhang mga paa at naririnig ang mga katagang “Nadukutan ako! Habulin niyo siya.” o di kaya ang mga bulong na “Holdap toh, ilabas mo ang pitaka at cellphone mo!” Nang malapit nang makatulog si Tep sa inip, nagulat na lamang siya na wala na ang cellphone niya sa tabi niya. “Hala! Nasan na ung cellphone ko?!” sigaw ni Tep. Na-iiyak na si Tep nang bigla na lang may nahulog na malaking supot ng tela sa taas niya at siya’y binihag. Pilit na kumawala ang duwende, ngunit pinitik lamang ng nakadukot sa kanya ang supot ng tela na nagdadala sa kanya at agad siyang nawalan ng malay.
Nang magising si Tep, nakita niya na wala na siya sa loob ng supot na tela. At siya ay nakasakay na sa isang batya na sinasagwan ng isang lalaki. Katabi niya ang isa pang lalaking may piring ang kanang mata, magulo ang kulot na buhok at marumi ang mukha. Sa pangkalahatan ay tila hindi pa naliligo ang taong ito magmula nang siya’y isinilang. Nakangiti sa kanya ang gusgusing lalaki. Sa kanyang pagngiti ay kitang-kita ni Tep ang dilaw at bulok niyang mga ngipin. Putol ang kanyang kaliwang paa at sa halip ay nilagyan na lamang ito ng kahoy na tungkod. –isang pirata. “Sino ka?” tanong ni Tep, “Saan mo ako dadalhin?” “Arr! Arr! Arr!” halakhak ng pirata, “Ako ang textmate mo, sa wakes ay nagkita na rin tayo!” “I-ikaw ‘yong k-katext k-k-k-ko? EEEEEWWW!” sigaw ni Tep, “BADING!” “Manahimik ka nga diyan!” sabi ng pirata, “Isa akong pirata at kinikidnap kita!”
Nang makarating na sila sa malaking barko ng mga pirata ay babayaran na ng pirata ang inarkilang batya. “Sir, pakidagdagan na lang,” sabi ng nagsasagwan sa pirata. “Ano, at bakit naman?!” tanong ng pirata. “Eh sir, anlayo pa ng babalikan ko,” sagot ng lalaki, “tsaka pasko naman eh.”
“Ha?! Eh wala pa ngang araw ng mga patay humihirit ka na agad ng pasko?!”
“Eh sir, simula na kaya ng “ber” months.”
“O sige na nga, bawasan mo na ng sampu ang sukli ko”
“Sir naman, eh ku-“
“-O siya sige na, sige na! Sayo nang lahat yan!”
Di na nagabala pang magpasalamat ng lalaki. Buong yabang pa siyang sumagwan pabalik sa may daungan.
Kinulong ng pirata si Tep sa loob ng isang lampara. “Hah! Diyan ka muna habang tinatawagan ko ang mga magulang mo.” Ang sabi ng pirata. “Buti na lang at binigay mo sa akin ang number mo sa landline dati! Arr! Arr! Arr! At huwag na huwag kang magtatangkang tumakas, pinanonood ka ng mga at tauhan ko, sina Jun-jun, Kat-kat, Tin-tin at si Boy. At ako naman si Benji, Benji the Pirate!”
Matapos ang ilang sandali ay bumalik ang pirata na tila galit na galit. “Pambihira! Mga dukha pala kayo eh, wala naman pala kayong panransom. Nasayang lang ang pagbihag ko sayo!”
“Eh ikaw kasi eh, bakit mo naman kasi ako binihag?” sumbat ni Tep.
“Sabi mo kaya nung magkatext tayo, mapera ang pamilya mo, at kaya mong tapatan ang yamang binanggit ko!”
“Sinabi ko lang un dahil sa sinabi mong mayaman ka. Kaya lang naman kita pinatulan dahil akala ko lumalangoy ka sa pera! Pambihira, eh sa itsura mo parang kahit na singko, ipagdaramot mo pa rin! O, pano na? siguro naman ay pwede mo na akong pakawalan ngayon?”
“Hindi pa rin” sagot ng pirata.
“Hah, Bakit naman? Alam mo namang wala akong pakinabang sayo eh!”
“Sakin wala, pero sa alaga kong aso, meron. Di pa siya nakakapag-tanghalian, ipakakain na lang kita sa kanya!”
“Bakit ako? Hindi ako masarap! Hindi rin ako kumain kanina kaya wala siyang makukuhang laman sakin!”
***
Samantala, nagsumbong naman ang mga magulang ni Tep sa Mahal na Reyna ukol sa kanilang anak na si Tep. Dahil dito, naging laganap ang balitang ito sa telebisyon at sa lahat ng may pakialam sa panonood ng balita. Ibig sabihin, kaunti lang talaga ang nakaalam.
“Ano ‘ka niyo?” ang tanong ng reyna.
“Opo,” sagot ng ina ni Tep, “Binihag po siya ni Benji the Pirate, at nanghhingi po ng ransom. Wala naman po kaming maibibigay panransom.”
“ Ang piratang si Benji ay matalik na kaibigan ng kahariang iniidolo nating lahat- ang kaharian ni Haring Gregorio Talahib. Kung aking ipadadala ang Special Action Force ng palasyo upang kalabanin si Benji, maaring masira ang relasyon ko sa kabilang kaharian.”
“Pero anak po namin a-“
“Hindi na, hindi na. Ang anak ninyo ay isang bayani. Pararangalan natin siya. I am sorry.”
***
“Pakawalan ninyo ako rito, pakawalan ninyo ako! Ayoko maging dog food!” iyak ni Tep. Magdamag na siyang nakakulong sa lampara at inumaga na rin siya sa pagwawala. “Tumahimik ka nga!” sigaw ni Jun-jun “Pag di ka nanahimik, sisindihan ko itong lampara para maging abo ka na!”
Natigilan ang lahat nang bigla silang nakaramdam ng pagyanig. “Kapitan! May lindol po. Baka magkaroon ng tsunami!” Sigaw ni Kat-kat. “Lahat kayo lumabas!” ang sigaw ni Benji the Pirate, “Maghanda para sa malalaking alon!”
Habang lumalakas ang pagyanig ay nakarinig si Tep ng mga mala-higanteng yapak. Pabilis ito ng pabilis. Matapos ang ilang sandali ay nakarining na siya ng isang malaki at malagong na boses at tila natatawa pa yata ito, “Halika rito, wag ka nang tumakbo! Ha! Ha! Ha! - ARAAAY!” lumingon si Tep sa bintana at nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang isang higanteng nagpapagulong-gulong mula sa taas ng bundok sa gilid ng isla at patungo sa barkong kinaroroonan niya. Kahit halos namamaos na, nagawa pa rin ni Tep ang sumigaw ng: “SAKLOLO! May higanteng paparating sa barkong ito. Saklolo, dali, m-” Huli na ang lahat, sa pagsigaw ni Tep ng mga salitang iyon ay tumilapon na ang higante mula sa gilid ng isla patungo sa barkong kinaroroonan niya. Malakas ang naging pagbagsak ng higante sa barko, nadurog ang kalahati ng barko. At nasawi ang lahat ng pirating sakay nito. Humagulgol ang higante at tila nagdabog dahil sa kanyang nagawa. Sa kaganapang ito ay tumalsik ang lampara kung saan naroon si Tep at aksidente itong nahulog sa bibig ng higante. Sa pag-aakalang tinga lamang iyon, kinutkot ito ng higante nang biglang nagsalita si Tep, “Niligtas mo ako! You’re my hero!” napasigaw ang higante: “Wah! Nagsasalita ung lampara! May mumu, may mumu!” “Huwag kang mag-alala, wala akong masamang pakay,” Lumabas si Tep sa loob ng lampara “isa lamang akong duwende.”
“Duwende? WAH! Sabi sa akin noon, nangkukulam daw ang mga duwende ah! Totoo ba un ha?” tanong ng higante
“Anu ka?! Hindi noh! Eh ang sabi naman ng nanay ko, ang mga higante raw ay nananapak ng duwende! Totoo ba un?”
“Ah,” nagkamot muna ng ulo ang higante, “Ah… hindi ko alam eh. Sige sa susunod, aalamin ko na kung nakatapak man ako!”
“Teka, ano ba munang ginagawa mo kanina at tinamaan mo ang barko namin?” tanong ni Tep
“May hinahabol kasi akong usa, nais ko siyang gawing kaibigan at makipaglaro sa kanya. Kaso ayaw niya sakin eh. Nang maabutan ko na siya, bigla akong napatid sa isang bato. Kaya ayun, nagpagulong-gulong ako pababa ng bundok.”
“Ganon ba? Bakit mo naman gustong maging kaibigan ang usa?”
“Wala kasi akong kaibigan. Lahat sila ng nilalang na kilala ko ay sakin. Kaya naglalaro na lang ako mag-isa.”
“Gusto mo bang maging kaibigan ko? Marami akong puwedeng ipamahagi sa iyo!”
“Talaga? Totoo ba ‘yan? Sige, payag ako!”
“Sige ayos! Pero bago ang lahat, puwede bang tulungan mo muna akong makauwi? Ibang klase ang mga pangyayaring naganap sa akin!”
“Puwedeng puwede! Sige, sumampa ka lang sa braso ko. Ako nga pala si Angto.”
“Salamat kaibigang Angto, ako nga pala si Tep. Ipakikilala rin kita sa iba ko pang mga kaibigan. Mag-iinuman tayo!”
At magmula noon ay naging matalik na magkaibigan na si Tep at Angto. Palagi na silang magkasama sa iba’t ibang pakikipagsapalaran.
Posted at 10:35 pm by hotchillies24
Permalink
|
 |
 |
 |
 |
 |
 |
|
|